Pag-asa Island susunod na bibisitahin ni Pangulong Duterte

Ibinunyag ni Defense Secretary Lorenzana na tuloy pa rin ang pgbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pag-asa Island sa Spratlys.

Ayon sa kalihim, ipinagpaliban lamang ito ng pangulo upang mapanatili ang magandang relasyon sa China ngunit tuloy ang pagbisita nito sa takdang panahon.

Maaari anyang ngayong taon bumisita si Duterte sa nasabing isla.

Ang Pag-asa island ang pinakamalaki sa siyam na Philippine military outposts sa kontrobersyal na rehiyon at may layo lamang na 12 nautical miles sa itinayong isla ng China sa Zamora Reef.

Matatandaang sinabi ng pangulo noong nakaraang taon na maaari itong tumungo sa Pag-asa island upang itayo ng bandila ng Pilipinas sa nasabing isla.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...