I-ACT nagsagawa ng magdamag na operasyon laban sa mga kolorum na sasakyan; ilang bus at jeep ang nahuli

DOTr Photo

Nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council on Traffic sa mga bumibiyaheng pampasaherong bus sa Pasay City.

Sa Aurora Boulevard sa Tramo isang pampasaherong bus ng Mhel Bhen Bus na may biyaheng Pasay – Dagupan at balikan at may plate number ACL 4042 ang nahuli.

Nang tignan kasi ang OR-CR ng bus ay nakarehistro ito bilang pribadong sasakyan pero ibinabiyahe ng dagupan.

Ayon kay DOTr Usec. Tim Orbos, ginawa ng I-ACT ang operasyon ng gabi para matyempuhan ang mga kolorum na sasakyan na gabi lang lumalabas.

Maliban sa nasabing bus, may nahuli rin ang I-ACT na dalawang out of line na bus at mga pampasaherong jeep na nakitaan din ng paglabag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...