Pinakamainit na temperatura mula nang maideklara ang summer season naitala kahapon sa Cabanatuan

Naitala ng Pagasa ang pinakamainit na temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija kahapon simula nang ideklara ang summer season sa 39.8 degrees Celsius.

Samantala, ang heat index naman na naranasan kahapon ay pinakamataas sa Sangley Point, Cavite sa 46.1 degres Celsius na sinundan ng Casiguran, Aurora, Dagupan City at Port Area Manila sa 45.5 degrees Celsius.

Patuloy naman ang pag-iral ng Ridge o extension ng High Pressure Area sa Northern Luzon habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa ayon sa Pagasa.

Bunsod pa rin ng dalawang weather systems ay makararanas ng generally fair weather ang bansa ngayong araw o maalinsangan at mainit na panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...