Pinoy diplomats pauwi na ng bansa

Pinalaya na ang tatlong Filipino diplomats na ikinulong sa Kuwait.

Ito ay kasunod ng pagtanggal ng Pilipinas sa total deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang mga Pinoy diplomats ay pabalik na sa bansa kagabi kasama si Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Paliwanag ng kalihim, nagpakita ng magandang gesture ang Kuwait kaya kailangan din na magbigay ng magandang goodwill ang Pilipinas.

Dagdag ni Bello, ang pagpapalaya sa tatlo ay resulta ng diplomatic talks at ang desisyon ng Kuwait ay naging pinal lamang Miyerkules ng gabi.

Nakulong ang tatlong pinoy diplomats dahil sa kumalat na video ng pagligtas sa mga distressed domestic workers sa Kuwait.

Read more...