Philippine Arena napili para sa opening ng 2019 SEA Games

Napili ang Philippine Arena upang pagdausan ng opening ceremonies ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay SEA Games federation planning and coordination executive director Ramon ‘Tats’ Suzara, idaraos ang SEA Games mula November 30 hanggang December 30, 2019.

Paliwanag pa ni Suzara, digital ang magiging disenyo para sa opening ng palaro.

Aniya pa, Asian Games level ang kanilang gagawing paraan sa pag-organisa sa SEA Games.

Sa tatlong lungsod sa Pilipinas idaraos ang kabuuan ng 2019 Games — sa Clark Green City, Subic, at sa Maynila.

Sa Clark gaganapin ang athletics at swimming competitions at ito rin ang magsisilbing main sporting hub. Samantalang sa Subic naman gagawin ang triathlon, duathlon, sailing, at windsurfing. Habang sa Maynila naman isasagawa ang basketball, volleyball, boxing, at gymnastics.

Read more...