Ito’y matapos madiskubre na hindi pala nito naisumite ang kanyang Statements of Contributions and Expenditures o SOCE nang ito’y tumakbo bilang congressman sa unang distrito ng lalawigan noong 2013 elections.
Unang nagtungo si Leopoldo Sua, 52 anyos, na isang mekaniko at magsasaka sa Comelec provincial office upang maghain ng kanyang COC upang tumakbong senador sa susunod na eleksyon.
Gayunman, pinagsabihan si Sua na dapat ay sa Main Office ng Comelec sa Intramuros, Maynila ito maghain ng kanyang COC dahil tatakbo ito sa isang national position.
Habang nasa tanggapan ng Comelec sa Negros, dito na nadiskubreng hindi nito isinumite ang kanyang 2013 SOCE na obligasyon ng isang kandidato matapos ang halalan.
Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms, may kaukulang penalty ang isang kandidato na mabibigong magsumite ng kanyang Certificate of Contributions and Expenditures o SOCE.
Dahil dito, isang liham ang ibinigay ni Provincial Election Supervisor Jessie Suarez kay Sua na isinasaad na kailangan nitong magbayad ng P20,000 bilang ‘administrative fine’ sa pagkabigong magsumite ng kanyang SOCE matapos itong tumakbo bilang mambabatas noong 2013.