International edition ng Playboy may ‘nude photos’ pa rin

 

Kung ang US edition ng ‘Playboy’ magazine ay aalisan na ng mga hubad na larawan ng mga kababaihan, ang international edition nito ay mayroon pa rin.

Ito ang paglilinaw ng Playboy Enterprises CEO Scott Flanders sa New York Times, na unang nagbalita ng pagbabago sa sikat na men’s magazine.

Paliwanag ni Flanders, matuturing na ‘passe’ o makaluma na ang paglalagay ng mga hubad na larawan ng mga babae sa isang magazine dahil makikita mo na ang mas matitinding ‘sex act’ ngayon sa internet ng libre.

Magkakaroon pa rin naman aniya ng mga larawan ng mga magagandang babae ang US edition ng ‘Playboy’ ngunit hindi na ito magiging tulad ng dati na nakahubad.

Bukod dito, nais din nila aniya na maibaba ang edad ng maaring makabili ng ‘Playboy’ upang mas lumawak ang kanilang sirkulasyon at maka-engganyo pa ng mas maraming advertisers.

Ang naturang hakbang aniya ay may basbas ng 89-anyos na may-ari ng ‘Playboy’ na si Hugh Hefner.

Read more...