Top 5 most wanted ng EPD arestado sa Pangasinan

Sa lalawigan pa ng Pangasinan naaresto ang ika-lima sa most wanted person ng Eastern Police District (EPD).

Nakilala ang suspek na si Froilan Soriano, 34 na taong gulang na nakatira sa Barangay Buenlag, sa Calasiao, Pangasinan.

Naaresto si Soriano sa pamamagitan ng warrant of arrest mula sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) para sa kasong homicide.

Ito ay matapos mapaslang ni Soriano dahil sa alitan ang isang Jordan Clerigo noon pang October 2013.

Natunton ang suspek matapos magsanib-pwersa ang EP Special Operations Unit at ang Calasiao Police Station.

Sa ngayon ay dadalhin ng pabalik ng Pasig City si Soriano para makulong sa himpilan ng EPD.

Read more...