Lalaki patay sa engkwentro sa Bulacan

Dead on the spot ang isang drug suspect matapos mauwi sa engkwentro ang isang police operation sa Barangay Santisima Trinindad, sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Dennis Santos na residente sa lugar.

Ayon kay Police Superintendent Heryl Bruno ng Malolos City Police, nagsagawa sila ng buy bust operation laban kay Santos sa loob mismo ng kanyang bahay.

Matapos ang transaksyon at akmang aarestudin na ito ng mga otoridad ay nanlaban si Santos at pinaputukan ang mga pulis, bago nagtangkang tumakas.

Dahilan ito upang tugisin ng mga pulis si Santos at gumanti ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Ayon pa kay Bruno, si Santos ang No. 1 sa barangay drug watchlist at sinasabing sangkot rin ito sa mga serye ng holdup sa kanilang lugar at mga karati-bayan.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38 baril at 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.

Read more...