UNA, binubuo pa ang senatorial line-up

 

Inquirer file photo

Walang isasagawang malaking anunsyo ng senatorial slate ang United Nationalist Alliance o UNA.

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Mon Ilagan, ito ay dahil sa kaniya-kaniyang nag-hain ng mga certificate of candidacy ang mga kandidato ng UNA sa pagka-senador.

Ilan dito ay sina Alma Moreno na konsehala ng Parañaque City at si Princess Jaecel Kiram ng Sulu na parehong nag-hain ng kanilang COC kahapon.

Ani Ilagan, tinatapos pa ng kanilang partido ang kanilang pinal na senatorial slate na aniya’y bubuuin ng mga UNA stalwarts, guest candidates at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.

Ang importante aniya ay mabuo nila ito bago matapos ang paghahain ng COC sa Commission on Elections sa Biyernes, October 16.

Hindi pa naman sigurado kung makakasama si people’s champ Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa kanilang lineup at aniya, malalaman pa nila ito sa pagdating ni Pacquiao mula sa Amerika sa Biyernes.

Napabalita rin kasing hinihintay rin ni Pacquiao ang pag-anunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng kaniyang kandidatura bilang susunod na pangulo ng bansa.

Read more...