DOT Secretary Puyat hindi papayag sa anumang anumalya sa ahensya

Tiniyak ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na walang maanumalyang kontrara habang siya ang nakaupong kalihim ng ahensya.

Sa isang pulong balitaan ay sinabi ng bagong kalihim na pinatitingnan na niya sa Commission on Audit (COA) ang lahat ng mga tourism project para malaman na lahat ng ito ay ligal at nasunod ang tamang proseso.

Hindi aniya siya papayag na ituloy ang mga proyekto na hindi dumaan sa public bidding.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Puyat na sinuspinde na niya ang “Buhay Carinderia” project ng Tourism Promotions Board (TPB) na pinamumunuan ni Cesar Montano sa harap ng ulat na hindi ito sumailalim sa bidding process.

Ipinauubaya niya sa COA ang pagsasauli ng P80 milyong pondo para sa nasabing proyekto.

Samantala, hihigpitan din aniya niya ang mga foreign trips sa kagawaran.

Aminado si Puyat na marami sa mga kawani ng DOT ang hindi siya magugustuhan dahil siya ay istriko sa trabaho.

Una rito, pinagsusumite niya ng courtesy resignation ang lahat ng mga opisyal ng DOT.

Read more...