Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros at sinabing ang Senate Bill 1390 na iniakda nila ni Health Committee Chair JV Ejercito ay layong palitan na ang Republic Act 8504 na dalawang dekada o 20 taon nang ipinatutupad.
Ayon kay Hontiveros hindi na naaayon sa panahon ang naturang batas dahil hindi na nito ganap na natutugunan ang sitwasyon ngayon ng HIV at AIDS sa bansa.
Giit ng senadora kailangang magkaroon ng bagong istratehiya para malabanan ang epidemiya.
Banggit ni hontiveros, ang Pilipinas ang may pinakamataas ng HIV infection rate sa Asia Pacific at sa nakalipas na anim na taon tumaas ng 140 porsiyento ang HIV cases sa bansa base sa ulat ng United Nations.
Lumalabas na kada araw ay may bagong 31 kaso at 80 porsiyento sa kanila ay may edad 15 hanggang 30.