Publiko pinag-iingat sa MARINA sa mga gumagamit sa pangalan ni Admin. Guerrero

Binalaan ng Maritime Industry Authority ang mga seafarers, shipping companies at operators hinggil sa mga indbidwal na gumagamit ng pangalan ni MARINA Administrator Rey Leonardo Guerrero.

Sa inilabas na abiso ng MARINA, nakarating sa tanggapan ni Guerrero na may gumagamit sa kaniyang pangalan sa ilegal na mga gawain.

Partikular umanong ginagawa ng mga ito ay humihingi ng pabor, solicitation, at iba pang monetary considerations sa mga shipping companiesat maritime entities.

Hiniling ng MARINA at ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na maging mapanuri at agad magsumbong kapag may natukoy na ganito.

Sa mga nais magsumbong, maaring tumawag sa 523-9078, 526-0971, 524-2895 o 0939-9369820 o kaya ay magpadala ng e-mail sa oadm@marina.gov.ph.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...