Demolisyon sa West Cove Resort sa Boracay tuloy ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na tuloy ang demolisyon sa sikat na hotel na West Cove sa Boracay Island.

Tugon ito ng palasyo sa pahayag ng may-ari ng hotel na si Crisostomo Aquino na nakatanggap sila ng kopya ng liham mula sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs na ipinatitigil ang demolisyon sa West Cove.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kausap niya mismo si Interior and Local government officer-in-charge Eduardo Año at mga taga inter-agency committee at may hawak siyang written confirmation na tuloy-tuloy ang demolisyon sa West Cove.

Ayon kay Roque, ang West Cove ang simbolo ng pagbalewala sa lahat ng batas at ordinansa na nagbibigay proteksyon sa Saligang Batas.

Ipinagigiba ang West Cove dahil nakatayo sa no build zone at paggamit sa forest land sa turismo.

Mahalaga aniya na magiba ang West Cove dahil kung hindi ay magsisillbi itong paalala na minsan ay may sunuway sa batas at mga proseso na umiiral sa Pilipinas.

“Importante na tuluyang mawala sa isla iyang West Cove, dahil kung hindi po, iyan po ay talagang paalala na minsan ay merong sumuway sa lahat ng ating mga batas, sumuway sa lahat ng mga proseso, sa lahat ng otoridad sa ating Republika at nagkaroon po ng ganyang abomination diyan. Pero ang na-verify ko po kahapon kay Secretary Año mismo at doon sa inter-agency committee ng Boracay at meron po akong written confirmation, tuluy-tuloy po ang demolition ng West Cove. So, wala pong pagpigil sa demolition at prayoridad po iyan, dahil alam naman natin itong West Cove parang simbolo ng pagbalewala sa lahat ng ating batas at ordinansiya na nagbibigay-proteksyon sa ating Saligang Batas,” ani Roque.

Dagdag pa ni Roque, maaaring fake news ang pahayag bg nay-ari ng hotel na ipinatitigil na ng Palasyo ang demolisyon sa
West Cove.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...