Ayon kay Deputy City Administrator at Human Resource Manager Dinno Depositario karamihan sa mga nasibak ay pawang mga casual na empleyado at nasa ilalim ng job order (JO).
Mula nang matapos ang kontrata ng nasabing mga empleyado noong Marso ay hindi na umano sila nagpakitang muli sa trabaho.
Ani Depositario, mayroon ding ilang regular na empleyado ang nagpositibo sa drug test. Sasailalim sila sa imbestigasyon bilang pagrespeto sa kanilang security of tenure at saka papatawan ng parusa.
Noong Nobyembre isinagawa ang serye ng random drug tests sa 1,785 na empleyado ng City Hall.
MOST READ
LATEST STORIES