Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Abu na hindi lamang ang mga kongresita ang sinisiraan ni Diño kundi ang buong institusyon ng kamara.
Kasabay ng pagpapatawag upang magpaliwanag, sinabi ni Abu na dapat pangalan ni Diño ang mga sinasabi niyang kongresista.
Dapat din anya itong maglabas ng ebidenysa laban sa mga ito.
Iginiit ni Abu na nahirapan silang buuin ang kanilang pangalan at tiwala ng kanilang mga kababayan kaya hindi sila makakapayag na sirain ito ng isang opisyal ng gobyerno na nais magpapogi lamang sa media.
Hindi naman tinalakay ni Abu ang kanyang kasong vote buying sapagkat kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa husgado bagkus tinatawanan pa nga anya ito dahil wala namang basehan.
Nauna rito, ibinunyag ni Diño na may isang libong mga opisyal ng gobyerno kung saan 100 sa mga ito ay kongresista ang sangkot sa vote buying nitong nakalipas na Barangay at SK elections.