Ayon kay DILG Acting Secretary Eduardo Año, kabilang sa mga programang ipapatupad ngayong taon sa ilalim ng AM Program ay ang konstruksyon ng mga tulay sa kanayunan.
Kasama din dito ang mga programa kaugnay sa disaster risk reduction-related, rain water catchment facilities, sanitation at health facilities, at municipal drug rehabilitation facility.
Aniya, layon ng programa na pantay na tulungan ang lahat ng munisipalidad sa paghahatid ng mga basic services sa pamamagitan ng layouts ng tulong pinansiyal para sa pagpapatupad ng kanilang mga priority programs at proyekto.