Mga nanalong opisyal ng barangay na sangkot sa illegal na droga mamanmanan ni Pang. Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nanalong barangay officials na sangkot sa illegal na droga na babantayan ng gobyerno ang kanilang mga galaw.

Ayon sa pangulo, hindi garantiya ang kanilang pagkapanalo sa katatapos na halalan at lalong hindi maaring gawing pananggalang ang kanilang mga posisyon.

Ayon pa sa pangulo, hindi niya hahayaan na mapariwara ang bansa dahil sa ilegal na droga.

“We would be watching the guys who have had records of drug — trafficking, drug abuse. Kayong mga nasa droga at nanalo kayo, your election to the barangay position is not a guarantee. Do not [seek cover] on that title,” ayon sa pangulo.

Matatandaang dalawang beses na ipinagpaliban ng Pangulo ang barangay elections sa pangambang magamit ang pera mula sa illegal na droga at maluklok sa pwesto ang mga sangkot sa ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...