Mga opisyal ng pamahalaan iimbestigahan dahil sa kurapsyon

Ilan pang mga opisyal ng gobyerno ang pina-iimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kurapsyon at ibang paglabag.

Binanggit ng pangulo ang ilang pangalan kabilang sina Prosecutors Samina Macabando-Usman, Benjamin Lanto na OIC ng Pasay City Prosecutor’s Office, Clemente Villanueva at Florencio Dela Cruz at isang dating mayor ng Marawi City.

Nasa listahan din si resigned Justice Asst. Sec. Moslemen Macarambon, DPWH Asst. Sec. Tingagun Ampaso Umpa, Customs Intelligence and Investigation Division Director Adzhar Albani, NAIA-Customs District Collector Ramon Anquilan at NAIA Customs Operations Officer Lomontod Macabando.

Ayon sa pangulo, ang nasabing mga government officials ay suspendido habang iniimbestigahan.

Ipapasa ng pangulo ang resulta ng imbestigasyon sa Office of the Ombudsman na may mandatong imbestigahan at litisin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na umano’y sangkot sa katiwalian.

Read more...