Lalaki patay sa engkwentro sa Bulacan

Dead on the spot ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Masagana, Pandi, Bulacan.

Kinilala lamang sa alayas na Robin ang napatay na suspek. Sinasabing isa itong tricycle driver sa lugar, ngunit nagtutulak rin ng iligal na droga.

Ayon sa Pandi Municipal Police, nauwi sa palitan ng putok ang kanilang isinagawang drug buy bust operation laban kay alyas Robin.

Natunugan kasi nito na pulis pala ang katransaksyon.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang kalibre 38 baril.

Read more...