Hinimok ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na gamitin ang kanilang online appointment system upang makauwas sa mahabang pila sa pagpaparehistro ng sasakyan at pagkuha ng lisensya.
Sa ngayon ay maaari lamang makapagparehistro online para sa mga opisina ng LTO sa Pasig City, Muninlupa City, Marikina City, at Novaliches sa Quezon City.
Kada araw ay mayroong 40 appointment slots sa bawat isa sa pilot office LTO
Ayon sa mga opisyal ng LTO, sa pamamagitan ng online appointment system ay makaiiwas ang publiko mula sa mga fixer.
Nakatutulong rin ito sa mga aplikante na mai-schedule nang maayos ang kanilang araw dahil nakalagay sa appoinment nila kung anong oras nila kailangang dumating sa LTO.
Ayon pa sa LTO, marami pang slots na bukas hanggang sa December 2018.
Samantala, hindi naman maaaring makagamit ng online appointment system ang mga bagong aplikante ng LTO.
Paninigurado pa ng LTO, sapat ang kanilang supply ng license card para sa mga kukuha ng driver’s license at anila, maaari itong ma-isyu sa mismong araw ng pagkuha ng lisensya.