LRT-2 pinasinayaan ang kauna-unahang train driving simulator sa bansa

Krixia Subingsubing | INQUIRER

Pinasinayaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang train-driving simulators para sa Light Rail Transit System (LRT -2) na nagkakahalaga ng P74.7 milyon.

Ang simulators ay gagamitin para mapadali ang pagsasanay ng mga magiging train operators ng LRT-2.

Ayon kay LRTA administrator Reynaldo Berroya, ang train simulators ay ligtas at matipid na paraan umano para maituro ang tamang pagpapatakbo, pagmamaniobra at troubleshooting ng tren.

Inilagay ang dalawang simulator units sa training facility sa LRT 2 Recto Sation kung saan kaya nitong gumawa ng kahalintulad na itsura ng buong sistema ng LRT 2.

Bukod sa Sistema ng LRT 2 ay parang totoong ‘view’ ng passenger stations at landscape ng Metro Manila ang makikita ng mga magsasanay na operator sa isang malaking screen sa ibabaw ng control panel.

Mararanasan sa train simulator ang 25 kadalasang problema na nararanasan sa sistema ng LRT-2.

Ang mga drayber na tatanggapin ng LRTA ay sasailalim sa pagsasanay ng Philippine Railway Training Center.

Read more...