Resolusyon para makalkal ang paggamit sa P600M pondo ng PCOO sa ASEAN info drive inihain ng isang senador

Naghain ng resolusyon si Senator Antonio Trillanes IV sa Senado para maimbestigahan ang paggasta ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa information caravan sa pagdaos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa noong nakaraang taon.

Aniya base ito sa ulat ng Commission on Audit na may mga posibleng anomalya sa paggasta ng P647.11 milyon para sa ASEAN information caravan.

Sinabi ni Trillanes na nais lang niya na magkaroon ng linaw ang isyu at maipaliwanag ng opisina ni Communications Sec. Martin Andanar kung paano nila ginasta ang pondo.

Sa dalawang pahinang Senate Resolution 735 iginiit ng senador na kailangan mahimay ng husto ang mga posibleng iregularidad kayat nais niya na magkaroon ng pagdinig sa Senado na may oversight function sa paggasta ng pondo ng bayan.

Read more...