Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pero tumanggi siyang ihayag kung sino ang ipinalit sa pwesto ni Macarambon.
Aniya, ipinauubaya na niya sa Malacañang ang pag-aanunsyo ng bagong appointee sa DOJ.
Naniniwala rin si Guevarra na maituturing na termination o pagsibak sa pwesto ang sinapit ni Macarambon na nahaharap sa alegasyon ng katiwalian.
Isa si Macarambon sa dalawang assistant secretary na pinagbibitiw ni Pangulong Duterte.
Sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), si Macarambon ay madalas umanong pumapagitna para sa mga hinihinalang smuggler ng ginto at iba pang mga mamahaling alahas na nahaharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinabulaanan naman ni Macarambon ang paratang at ipinaliwanag na hiniling lamang niya sa Bureau of Customs na ulitin ang computation sa buwis na dapat bayaran ng kanyang manugang para sa ginto at alahas na kanilang nabili sa halagang P7 Million.