Bumaba ang net worth ni Vice President Leni Robredo ng P7.76 Million dahil sa kanyang mga loans.
Ginamit umano ang nasabing pera bilang pambayad sa electoral fees na ipinataw sa kanya ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay sa petisyon na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay umaabot na lamang sa P1.1 Million ang net worth mula sa dating P8.8 Million.
Idineklara rin ni Robredo na mayroon siyang pagkakautang kay Pablito Chua na P1 Million at P2 Million naman kina Vicente Hao Chin Jr. at Rafael Bundoc na pawang mga kaanak ng kanyang namatay na asawa na si dating Interior Sec. Jesse Robredo.
Ipinaliwanag rin ng kampo ni Robredo na kahit may mga donasyon na dumating para sa kanyang protest fees ay kulang pa rin ito kaya napilitan siyang gumastos ng malaki.
Sa kanyang SALN ay idineklara rin ni Robredo ang ilangn properties sa Naga City, mga alahas at dalawang sasakyan.