Ayon kay Nograles, masyadong malaki ang pondo na P270 Million sa programa ng DOH sapagkat ang laman lamang naman ng mga medical kits ay thermometer, isang bote ng mosquito repellent at dalawang bote ng multi vitamins.
Hindi rin kumbinsido dito ang grupo ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.
Sinabi ni Sumachen Dominguez, pangulo ng mga magulang na hindi ang medical kits ang kailangan ng mga nabakunahan nilang anak.
Nauna rito, sinabi ng DOH na sa oras na maging supplemental budget ang isinauling P1.6 Billion ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na bakuna ay huhigutin dito ang P270 Million para sa ipapamahaging medical kits.