Kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa pagkaka-sangkot nito sa pag-padlock ng session hall para harangin na makapag-daos ng sesyon ang mga konsehal ng Taguig City noong 2010.
Maliban kay Cayetano sinampahan din ng kaso si City Administrator Jose Luis Montales. Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ay kinakitaan ng paglabag si Cayetano sa paglabag sa Article 143 ng Revised Penal Code (RPC) sa umanoy pagpadlock ng mga City Hall personnel sa session hall kung kailan magsasagawa ng assembly ang Sangguniang Panglungsod noong August 2010.
Hindi tinanggap ng Ombudsman ang paliwanag ng kampo ni Cayetano na nagsabing isinara nila ang Session Hall dahil isinanailalim ang lugar sa rehabilitasyon.
Nauna dito ay sinabi ni Vice-Mayor George Elias na malinaw na pamumulitika ang ginawa ng kanilang alkalde dahil tanging mga taga-oposisyon lamang ang pinag-iinitan ng may-bahay ni Sen. Alan Peter Cayetano.