Celtics tinalo muli ang Cavaliers sa Game 2 ng eastern conference finals ng NBA

Naipanalo nga Boston Celtics ang game 2 sa eastern conference finals ng NBA.

Muling tinalo ng Celtics ang Cleaveland Cavaliers sa score na 107-94.

Kinapos ang Cavs sa kabila ng pagtatala ni Lebron James ng 42 puntos para sa kaniyang koponan kasama ang 10 rebounds at 12 assists.

Sa 2nd half ng laban nagtulong-tulong ang mga manlalaro ng Celtics para makalamang sila ng malaki.

Nagtala ng 23 points si Jaylen Brown, 18 points si Terry Rozier, 12 points si Marcus Morris at 11 points si Marcus Smart.

Dahil dito, naitala ng Boston sa 2-0 ang standing at sa linggo magaganap ang muling muling paghaharap ng dalawang koponan sa game 3.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...