Dagdag sahod sa mga manggagawa sa region 12 epektibo na

Epektibo na ang dagdag-sahod ang mga manggagawa sa Region 12 o Soccsksargen.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, inaprubahan ang wage order number RB 12-20 noong April 26, 2018.

Gayunman, kinailangan pang isapubliko ang kautusan bago ganap na maipatupad.

Sinabi ng wage board na epektibo na ang dagdag sahod at ang bagong minim wage para sa mga manggawa sa region 12 ay P311 kung non-agriculture at P290 naman para sa agriculture.

Sakop ng kautusan ang mga manggagawa sa South Cotabato, Cotabato City, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...