Ito ay kasunod nang mabigat na epekto nito sa presyo ng mga bilihin.
Paliwanag ni Cua, hindi maaring balewalain ang panawagan sa pag-review dito sapagkat lagay ng ekonomiya ang nakasalalay.
Gayunman, tutol ang mambabatas sa mga panukala na suspendihin ang implementasyon ng TRAIN habang muli itong pinag aaralan dahil sa mabigat na implikasyon nito sa kaban ng pamahalaan.
Kumpyansa naman ang mambabatas sa mga economic managers ng gobyerno dahil kumikilos naman anya ang nga ito upang i-shift ang monetary policy upang mapatatag ito sa gitna ng epekto ng TRAIN.
Iginiit ni Cua na mayroong safety nets ang batas upang maprotektahan ang publiko sa epekto nito.