Ayon sa Phivolcs unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 115 km timog ng Jose Abad Santos, Davao Occidental alas-3:06 ng umaga.
May lalim itong 5 km at tectonic ang origin.
Nasundan naman ito ng 3.9 magnitude na pagyanig na naitala naman sa 366 km Timog ng Sarangani, Davao Occidental alas-03:10 naman ng umaga. Tectonic din ang origin at may lalim na 92km.
Samantala, niyanig din ng magnitude 3.1 na lindol ang 30 km hilaga ng bayan ng Banton sa lalawigan ng Romblon kaninang ala-1:11 ng umaga. may lalim na 12 km at tectonic din ang origin.
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks.