583M fake accounts ipinasara ng Facebook sa nakalipas na tatlong buwan

Ipinasara ng Facebook ang aabot sa 583 milyong pekeng account sa unang tatlong buwan ng taong 2018.

Bahagi ito ng paglilinis sa social networking sites at upang matiyak na hindi ito magagamit sa mga sexual o violent images, terrorist propaganda o hate speech.

Sinabi ng Facebook na masusi rin nilang binabantayan ang milyon-milyong pagtatangka kada araw na magbuo ng pekeng mga account sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nasabing panahon, nakapagbigay din ng warning ang Facebook sa mahigit 30 milyong posts.

Kabilang sa hakbang na ginawa ng Facebook sa mga pagbalag ay pag-alis sa content ng post, paglalagay ng dagdag na warnings, at kung may banta sa buhay ng isang tao ang nakitang posts ay agad itong ipinaaalam sa mga otoridad.

Aminado naman ang Facebook na pinaka-nahihirapan silang bantayan ang mga hate speech.

Sa ngayon umabot na sa 2.5 million hate speeches ang inaksyunan ng Facebook pero 38% lang dito ang na-detect ng Facebook habang ang iba ay inalerto sa kanila ng users.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...