Nagpasya ang North Korea na kanselahin na ang pagdaraos ng high-level talks sa South Korea matapos ikagalit ang joint military exercises ng Seoul at Estados Unidos.
Sa official news agency ng NoKor na KCNA, tinawag nitong “provocation” at “rehearsal for invasion” ang ginagawa ng South Korea at US.
Binalaan din ng NoKor ang US na posibleng makaapekto din ito sa nakatakdang summit sa pagitan nina Kim Jong-un at US President Donald Trump na gagawin na sana sa June 12 sa Singapore.
Ang high level talks ay follow up sana ng summit na ginanap noong April 27 sa pagitan nina Kim at Moon Jae in.
Tatalakayin sana dito ang iba pang detalye ng mga napagkasunduan sa makasaysayang summit.
MOST READ
LATEST STORIES