AFP Chief Galvez tiniyak na hindi mauulit ang Marawi siege sa nalalapit na hinaharap

Matagal pa ang guguguling panahon ng mga terorista upang makapagsagawa ng katulad sa Marawi City na mga pag-atake.

Ito ang pagtitiyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Carlito Galvez Jr.

Ito ay sa kabila ng mga ulat na patuloy ang ginagawang recruitment ng mga ISIS-linked fighters sa Mindanao.

Ani Galvez, taon ang bibilangin bago maulit ang katulad sa Marawi incident.

Kaya naman aniya, winawasak na nila ang ‘generational link’ o ‘generational process’ upang mapigilan ang paglago pa ng grupo ng ISIS.

Aniya pa, lubos na napahina ang pwersa ng Maute group matapos ang kanilang limang buwang pagsasagupa noong nakaraang taon.

Samantala, ani Galvez, hindi niya masasabi kung palalawigin pa ang umiiral na batas militar sa Mindanao. Aniya, isa kasi itong political decision.

Ngunit nakikita niya na maganda ang epekto ng martial law sa Mindanao hindi lamang sa pagkontra sa terorismo ngunit maging sa mga kriminal.

Read more...