Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Rise bilang isang marine protected area.
Ito ay sa pamamagitan ng isang proklamasyon na nilagdaan ng pangulo sa send-off ceremony ng 50 mga Filipino scientists na pupunta ng Philippine Rise upang magsagawa ng research.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nito na ang nasa 50,000 ektarya ng Philippine Rise ang kabilang sa Strict Protection Zone na maaaring gamitin para sa pag-aaral.
Ngunit nilinaw ni Pangulong Duterte na ito ay para lamang sa mga Pilipino.
Samantala, ang mahigit 300,000 ektarya naman ng Philippine Rise ay magsisilbing special fisheries management area.
MOST READ
LATEST STORIES