Taxi inabanduna sa Quezon City

Natagpuang nakaparada at abandunado ang isang taxi sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue na sakop ng Barangay Old Balara sa lungsod Quezon.

Batay sa nakalagay na pangalan sa katawan ng puting Toyota Vios na may Plate No. UWE 924 ay isa itong unit ng Onix Transport.

Naiwang nakalagay ang susi ng sasakyan sa loob nito at makikita rin ang identification card ng driver na may pangalang Jay Ar Camanzo.

Ayon kay SPO3 Celedono Cauneran Jr. mula sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang tungkol sa abandunadong taxi.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng QCPD Station 6 ang taxi at sinusubkang makausap ng mga otoridad ang may-ari nito.

Read more...