No.1 Most Wanted sa Gen. Trias, Cavite arestado

Nasakote na ng General Trias City Police ang kanilang itinuturing na No. 1 Most Wanted Person.

Nakilala ang suspek na si Toribio Orias na mayroong dalawang bilang ng kasong rape sa nasabing lungsod.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest ay natunton ng mga otoridad si Orias sa kanyang pinagtataguang bahay sa isang subdivision sa Barangay Santiago, General Trias.

Sa ngayon ay nakapiit na si Orias sa detention facility ng General Trias City Police Office.

Read more...