Mahigit 700 kandidato sinuspinde ng COMELEC

Sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang 729 na mga kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) electios.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni acting COMELEC Chairman Al Parreño na suspendido ang nasabing bilang ng mga kandidato dahil sa mga ulat na natanggap ng ahensya sa ginawang electoral offenses ng mga ito.

Aniya, sa ngayon ay inaalam pa ng COMELEC kung ilan sa 729 na mga kandidato ang nanalo sa halalan.

Dagdag pa ni Parreño, sakaling nanalo ang mga kandidato ay hindi muna sila makakaupo sa pwesto at sususpindihin rin ang kanilang proklamasyon.

Read more...