Hindi nagdeklara ang Commission on Elections (COMELEC) ng failure of election sa alinmang lugar sa Pilipinas para sa katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni COMELEC Commissioner Sheriff Abas na 100% sa mga presinto sa buong bansa ang matagumpay na nakapagdaos ng halalan.
Aniya pa, nabalam lamang ang eleksyon sa isang polling center sa liblib na barangay sa Northern Samar, ngunit natuloy ang halalan sa lugar.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, noong huling barangay at SK elections noong 2013, 130 na failure of election ang naitala.
Samantala, ayon kay acting COMELEC Chairman Al ParreƱo, hanggang sa alas-7 ng gabi ng Martes, May 15, ay nasa 99.81% sa 42,044 na mga barangay sa buong bansa ang nakapagdeklara ng mga nanalong kandidato.