Dating pangulo ng Taiwan makukulong dahil sa paglalabas ng classified information

AFP Photo

Apat na buwang makukulong dating pangulo ng Taiwan na si Ma Ying-jeou.

Ito ay matapos siyang sintensyahan dahil sa paglalabas ng classified information noong 2013, kung kailang kasalukuyan itong nanunungkulan bilang pangulo ng Taiwan.

Maaari pang i-apela ni Ma ang naturang desisyon na pwedeng mapagbayaran nito sa pamamagitan ng piyansa.

Noong Agosto ng nakaraang taon ay not guilty ang naging hatol kay Ma. Ngunit inapela ito ng mga prosecutors.

Nag-ugat ang kaso ni Ma noong 2013 matapos siyang sampahan ng kaso ng mambabatas na si Ker Chien-ming mula sa Democratic Progressive Party. Inakusahan ni Ker ang dating pangulo na naglabas umano ng sensitibong impormasyon mula sa nakuhang wiretapped na pag-uusap.

Si Ma ay mula sa pro-China Nationalist Party.

Read more...