Oposisyon minaliit ang hindi panpunta ni Pang. Duterte sa Philippine Rise

Minaliit ng mga taga-oposisyon sa Senado ang hindi natuloy na pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, isang propaganda lamang ang sinabing trip ng pangulo sa Philippine Rise lalo na’t hindi naman ito natuloy.

Maling dagat aniya ang pinuntahan ni Duterte dahil dapat ay sa Spratlys ito nangtungo at nag-jet ski gaya ng ipinangako nito noong kampanya.

Samantala, sinabi ni Senador Leila de Lima na nakakahiya na ang Pilipinas sa gitna ng malakas na posisyon ng Vietnam laban missile system ng China sa South China Sea.

Ang kawalan aniya ng tugon ng Malacañan ay nagpapakita ng kawalan ng komprehensibong polisiya ng administrasyong Duterte sa ugnayang panlabas at depensa.

Read more...