Ex-Gov. Padaca kinasuhan dahil sa hindi pagsusumite ng SALN

grace-padaca
Inquirer file photo

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Isabela Governor Grace Padaca kaugnay sa hindi paghahain ng kanyang Statement of Asset and Liabilities o SALN.

Batay sa reklamo ng Ombudsman, nilabag ni Padaca ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nakasaad din sa reklamo ng Ombdusman na batay sa impormasyon sa Record and Docket Section ng Sandiganbayan ay umaabot sa apat na taon ang hindi paged-deklara ni Padaca ng kanyang SALN mula 2007 hanggang 2010.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na batay sa mga umiiral na batas ay obligasyon ng lahat ng public officials at empleyado ng gobyerno na mag-hain ng kanilang SALN kada taon.

Nilinaw din ng Tanodbayan na walang kinalaman sa pulitika ang kanilang hakbang at lahat ng records ay kanilang sinisilip base na rin sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Dagdag pa ng Office of the Ombudsman, asahan na rin daw na mas marami pa silang kakasuhan kaugnay sa pag-labag sa nasabing batas na hindi dapat maliitin ng mga nagta-trabaho sa pamahalaan.

Read more...