Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.
Target ni Estrada ang reelection bilang alkalde ng lunsod ng Maynila.
Mula sa Liwasang Bonifacio ay naglakad si Erap kasama ang kanyang mga supporters papuntang tanggapan ng Comelec sa Intramuros.
Maski ang pag-ulan ay hindi nakapigil sa grupo ni Estrada na pumunta sa Comelec para maghain ng COC. Sinabi pa nito na kaya pa niyang mag-marathon mula Roxas Boulevard hanggang Baguio.
Reaksyon ito ni Estrada sa hamon ng makakalaban nito na si dating Manila Mayor Alfredo Lim na mag-jogging sila.
Una nang naghain si Lim ng COC bilang mayor ng Maynila kahapon araw ng Martes.
Kasama ni Estrada ang running mate nito na si fourth district councilor Honey Lacuna na tatakbo sa pagka-bise alkalde.
Si Estrada na ang ikawalong kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila para sa 2016 election.