Retiradong NBA Player na si Lamar Odom, kritikal ang kundisyon

ODOM lamarKritikal ngayon ang kundisyon ng retiradong NBA Player na si Lamar Odom.

Sa ulat ng TMZ today si Odom ay isinugod sa Las Vegas Hospital si Odom makaraang matagpuang walang malay sa Love Ranch brothel.

Bagaman buhay pa, sinabi ng TMX today na tanging makina na lamang ang nagsisilbing dahilan ng paghinga ni Odom.

Isang babae umano ang tumawag sa 911 para ipaalam na nakahandusay si Odom na may ‘mucus’ daw na lumalabas mula sa ilong at bibig nito.

Dinala ang former basketball player sa Parhump Hospital at ililipat sana sa trauma center sa Las Vegas subalit dahil sa sobrang tangkad nito, na may taas na 6 feet 10 inches, hindi nagkasya sa helicopter.

Batay naman sa mga saksi, si Odom ay naka-check-in sa brothel mula pa noong Sabado at umiinom daw ng herbal susbstitute ng Viagra.

Si Odom ay dating miyembro ng Los Angeles Clippers, Miami Heat, Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks.

Matapos mabalitaan ang nangyari kay Odom agad nagtungo sa ospital angf dati nitong asawa na si Khloe Kardashian kasama ang ina na si Kris Jenner.

Nagpakasal sina Odom at Khloe Kardashian noong 2009, pero makalipas ng ilang taon ay naghiwalay ang dalawa na nagbunsod daw sa basketball player na maging lulong sa drugs, partikular sa crack cocaine.

Read more...