Epektibo Martes ng umaga, May 15 ay nagtaas na ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa monitoring ng Radyo Inquirer, dahil sa panibagong big time oil price hike sa Caltex Buendia-Pasong Tamo ang kada litro ng Diesel ay P45.45 na ang kada litro habang ang gasolina ay nasa P54.47 hanggang P56.92 per liter depende sa klase.
Sa Petron naman sa nasabi ring lugar, ang presyo ng diesel ay 44.25/litro, at ang gasolina ay P53.37 hanggang P55.82 ang halaga.
Sa bahagi naman ng EDSA-Estrella ang presyo ng diesel ng Shell ay P46.02 hanggang P49.78 depende sa klase at ang kada litro ng gasolina ay nasa P56.83 hanggang P59.25.
Discounted naman ang presyo ng diesel para sa mga public utility vehicles (PUVs) na P45.02 lamang kada litro at ang gasolina ay P54.83.
Sa Unioil EDSA-Estrella naman ang diesel ay P45.60/litro, ang gasolina ay P56.50/litro hanggan P58.50/litro ang halaga,
Sa Caltex EDSA-Estrella ang diesel ay P46.33/litro at ang gasolina ay nasa P57.62/litro hanggang P59.10/litro depende sa klase.
Sa Petron EDSA-Estrella ang diesel ay P46.33/litro hanggang P49.20/litro ang presyo, at ang gasolina ay P57.62/litro hanggang P59.10/litro ang halaga.