Mas mataas na buwis sa sigarilyo at alak isusulong ng pamahalaan

Isusulong ng Department of Finance (DOF) ang mas mataas pang buwis sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ito ay hindi lang para sa additional revenues ng gobyerno kundi para na rin sa kalusugan ng publiko.

Sa ilalim ng TRAIN law, dahil sa excise tax ay umabot na sa P32.50 ang kada pakete ng sigarilyo noong January 1, kumpara sa P30 kada pakete noong nakaraang taon.

Sa mga susunod na taon hanggang 2023, magkakaroon pa ng pagtaas sa excise tax sa sigarilyo sa ilalim ng naturang batas.

Maliban sa epekto ng TRAIN law, ipinapanukala din ng DOF ang pagpapatupad ng tax reform package na “two plus” na sasakop sa sigarilyo, alak, mining, coal at casino.

Sa ilalim ng package “two plus” tataas pa lalo ang presyo ng sigarilyo at alak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...