Ayon sa Phivolcs, ala 1:14 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao Del norte.
30 kilometers ang lalim ng lindol at naitala ang epicenter nito sa 38 kilometers South ng General Luna.
Samantala, ala 1:30 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Bayasbas sa Surigao del Sur.
Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 132 kilometers North ng Bayasbas at 57 kilometers ang lalim.
Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
READ NEXT
Sunog sa Tondo Maynila tumagal ng mahigit 10 oras; bagong halal na kagawad kabilang sa nasunugan
MOST READ
LATEST STORIES