Sunog sa Tondo Maynila tumagal ng mahigit 10 oras; bagong halal na kagawad kabilang sa nasunugan

FEPAG Photo

Mahigit 10 oras na tumagal ang sunog sa Bulacan Street kanto ng Juan Luna Street, Gagalangin Tondo Maynila.

Pasado alas 7:00 pa ng gabi nang magsimula ang sunog at alas 8:31 ng gabi nang iakyat ito sa ikatlong alarma.

Unang nasunog ang tahanan ng bagong halal na kagawad ng Barnagay 162 sa Tondo.

Katatapos lang ng eleksyon nang sumiklabo ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Kagawad Elisa Erinco na nasa harap lang ng polling center sa Torres High School.

Nakontrol naman agad ang apoy pero makalipas ang isang oras muli itong sumiklab at nadamay ang kalapit na commercial building na imbakan ng tela.

Naging pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil nasa ikaapat na palapag na bahagi ng gusali ang nasunog.

Alas 4:00 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...