Pangulong Duterte, magtutungo sa Philippine Rise ngayong araw

Casiguran, Aurora- Susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-jetski sa Philippine Rise ngayong araw.

Ayon sa isang opisyal sa Malakanyang, gagawin ito ng pangulo bilang paggunita sa unang anibersaryo ng Executive Order Number 25 na nagbabago sa pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.

May 16, 2017 nang lagdaan ng pangulo ang EO.

Bukod sa pagbisita sa Philippine Rise, pangungunahan din ng pangulo ang send-off ceremony sa 50 Filipino scientists na magsasagawa ng pananaliksik o scientific research sa 13 milyong ektaryang underwater plateau bilang Philippine Rise.

Ang Philippine Rise ay ini-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa Pilipinas bilang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) noong 2012.

Sinasabing mayaman ito sa marine resources at pinangangambahang pinagkakainteresan na rin ng China.

Ito ay matatagpuan sa Pacific Ocean at ilang kilometro na lamang ang layo nito mula Isabela.

Nasa tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula sa Casiguran, Aurora sa pamamagitan ng barko ang Philippine Rise.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...