Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, epektibo mamayang alas-6 ng umaga ang panibagong bigtime oil price adjustment.
P1.10 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.20 para sa bawat litro ng diesel, at P0.95 naman ang dagdag-singil para sa kada litro ng kerosene.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ang Caltex, Flying V, Jetti, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, at SeaOil.
Ang naturang oil price hike ay dahil sa pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ay nagpatupad ng kakarampot na rollback ang mga kumpanya ng langis.
MOST READ
LATEST STORIES